Tag Archives: Sicat Award 2020
Sicat Award 2020
Ang Gawad Gerardo P. Sicat* para sa Pinakamahusay na Undergraduate Paper ay ipinagkakaloob sa mga mag-aaral na nagsaliksik at sumulat ng pinakamahusay na tesis ukol sa naturang tema sa ilalim ng kursong Economics 199. Ang mga nagwawagi ay pinipili ng isang lupon ng mga hurado na kinabibilangan ng mga guro at mananaliksik mula sa Paaralan ng Ekonomiks.
Ang pagpili sa mga nominado at mananalo ay dumadaan sa mabusising pagsisiyasat ng mga paper na ipinasa ng mga Econ 199 advisers sa komite. Para sa Academic Year 2209-2020, 62 na Econ 199 papers ang natapos. Sa mga ito, 9 ang napili ng mga advisers para maisaalang-alang sa Sicat Award. Ito ay ang mga sumusunod na research papers:
- By his words alone: The economic consequences of Rodrigo Duterte
Authors: Elain Brianne O. Balderas / Alyanna Maria Belen S.D. Bernardo
Adviser: Dr. Joseph J. Capuno - A differential game model of advertising in oligopoly
Author: Joshua Raphael N. Ambrosio
Adviser: Dr. Joseph J. Capuno - Climate change and the Philippine economy: The impact of temperature and precipitation on the three main sectors of the Philippines
Authors: Janella Meara L. Chan / Maria Gabriella S. Gibe
Adviser: Dr. Renato E. Reside, Jr. - Hey, Google! A novel internet-search based macroeconomic uncertainty index for the Philippines
Authors: Vivienne Jeri L. Tieng / Caitlin Eliza C. Yu
Adviser: Dr. Maria Margarita D. Gonzales - How does intimate partner violence affect contraceptive use among women in the Philippines?
Authors: Joaquin Domingo S. de Guzman / Kristoffer John Ronald Y. Lobo
Adviser: Dr. Sarah Lynne S. Daway-Ducanes - Is senior high school worth it? Assessing the employability of senior high school graduates under the K to 12 Basic Education Program
Authors: Zarah Aline V. Gondra / Samantha Louise S. Nepomuceno
Adviser: Dr. Ma. Christina F. Epetia - Older, bigger, better? A study on the effect of age and size on Asian firm performance
Authors: Carlo Manuel P. Gulapa / Therese Carol B. Juat
Adviser: Dr. Maria Margarita D. Gonzales - Out with the old, in with the new: A study on the composite leading indicator approach to forecast Philippine growth cycles
Authors: Colleen Anne T. Chua / Corinne Mariel T. Wong
Adviser: Dr. Joseph J. Capuno - The value of doing good: Analyzing the effect of Corporate Social Performance (CSP) on Corporate Financial Performance (CFP) in the ASEAN Region
Authors: Ian Paolo C. Jorge / Niccolo Miguel N. Rosadia
Adviser: Dr. Sarah Lynne S. Daway-Ducanes
Ang mga nagwagi ng gantimpala para sa Gawad Gerardo P. Sicat ay ang mga sumusunod:
First Prize:
Colleen Anne T. Chua and Corinne Mariel T. Wong, “Out with the old, in with the new: A study on the composite leading indicator approach to forecast Philippine growth cycles”
Adviser: Professor Joseph J. Capuno
Second Prize:
Elain Brianne O. Balderas and Alyanna Maria Belen S.D. Bernardo, “By his words alone: The economic consequences of Rodrigo Duterte”
Adviser: Professor Joseph J. Capuno
* Si Gerardo P. Sicat ay isang guro at mananaliksik ng Paaralan ng Ekonomiks, at isang pampublikong-lingkod. Siya ang kauna-unahan Director-General ng National Economic Development Authority (NEDA). Sa panahong kinikilingan ang proteksiyonismo, naging pangunahing tagataguyod si Doktor Sicat ng mga prinsipyong pang-merkado sa bansa. Itinaguyod din ni Doktor Sicat ang pananaliksik sa ekonomiks sa pamamagitan ng pagtatatag ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at ng Philippine Center for Economic Development (PCED) noong panahon niya sa NEDA. Siya rin ay kilalang may-akda ng aklat-aralin para sa ekonomiks na malawakang ginagamit sa Pilipinas. Si Doktor Sicat ay kasulukuyang Propesor Emiritus ng Unibersidad.
Mula pa noong 1973, taunang ipinagkakaloob ang gantimpala para sa pinkamahusay na undergraduate paper na itinatag at pinansyal na sinusuportahan ni Propesor Sicat, bilang bahagi ng kanyang pagtataguyod sa pagsasaliksik sa Ekonomiks at kontribusyon sa pag-unlad ng sambayanang Pilipinas.